A Travellerspoint blog

June 2008

si Josha, si Toi at ang pagiging cosmic

[11:35] petiksqueen: marse, ano nga kasi yung cosmic chorva nung nasa philam pa tayo?
[11:36] joshaqs: alin alin???
[11:37] petiksqueen: yung cosmic ang mga samahan ng mga tao.. or something like that...hindi ko alam pano ko explain
[11:37] joshaqs: ung cosmic ba kamo ni toi?
[11:37] joshaqs: ung sinasabi nya?
[11:37] petiksqueen: yep
[11:37] joshaqs: oh hahah
[11:38] joshaqs: well ako i believe in that too. i call it naman the invisible hand.
[11:38] joshaqs: bale everything happens for a reason and
[11:38] joshaqs: all people are placed where they are intentionally by that cosmic force or invisible hand.
[11:38] joshaqs: bale hindi coincidence na nagkakilala tayo.
[11:39] petiksqueen: yun, yun!
[11:39] joshaqs: and any contact natin with each other how small it may be, causes a ripple effect in everyone's live

Posted by petiks 14:21 Comments (0)

para kay chin at sa pagiging praning

sunny

emptiness_..emencia.jpg

ako ang tulang hindi mo mabasa
hitik sa malabong tema at mga letra.
ako ay itong melodramatikong kanta
umuulit na mga titik ng isang sirang-plaka.

ako ang palasyong binuo sa may aplaya
bumabalik sa alon sa pagkurap ng iyong mata.
ako ay isang maningning na tala
pukulin ng hiling ang aking dambana.

ako ang daang liko-liko't may babala:
maging-handa't mag-ingat sa hindi pa nakita.
ako ang ulan sa iyong parada
sumasaliw sa pagbuhos ng iyong pag-asa.

ako ang hindi-mapirming biyahera
hinahon ang hanap nitong pagal kong mga paa.
ako ang pag-ibig sa iyong haraya
nang-aagaw ng bait, sumisira ng diwa.

**balang araw, darating din ang panahon na magiging mahinahon lang ang panahon, mawawala na ang panay na pag-ambon. isang araw... balang araw...***

Posted by petiks 14:23 Archived in Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 2 of 2) Page [1]