A Travellerspoint blog

April 2008

tag-lungkot

sunny

miss_you_tear.jpg

kapanahunan na naman ng malalalim na buntong hininga't nagmumukmok na diwa. mumultuhin muli ng pagkabalisa ang pag-iisa. sa pagkakataong ganito ay marupok ang isipan at di matanggihan ang aligaga. giyera ang wisyong matatali sa pangangarap at pagtulala.

oras na naman ng pagsulpot ng samu't saring mga tanong. mga bakit at paanong walang angkop na sagot. mapipipi pati ang buwan, animo'y sya sa atin ay tatalikod. kasalo ang malamig na magdamag habang gabi'y kinakapos ng antok.

tag-lungkot. ilang balik na ang panahong ito'y di pa din tayo nawili. simula noon pa, sinisikmura na natin ang pait ng siklong paikit-ikit. pasasaan ba't tatakbo din ang marahang mga saglit. magkasama tayong magpapalipas nitong nakamamatay na sandali.

Posted by petiks 02:10 Archived in Philippines Comments (0)

pling kanting kanting

semi-overcast

i_miss_you2.jpg
hindi naman talaga ako praning –
hindi naman ako selosang maituturing.
mahilig lang akong mangarap ng gising.
gawain ng mga siraulo at may tililing.

marahil nga ay madrama, plingkantingkanting…
binabangungot man sa pagkahimbing
hindi man makapante sa pag-iisip ng kuningkuning
wala naman akong kahit anong hiling…

kailangan lang siguro ng iyong paglalambing…

Beginning_..al_Girl.jpg
------------------------------------------------------
hindi ko alam kung ano ang mas masaklap--

ang humimlay sa magdamag na hanap-hanap ang yapos mo ng puso kong binabalot ng lamlam o ang mamulat pa sa bukang-liwayway na tumutuldok sa matatamis na panaginip kong kapiling kita?
------------------------------------------------------

Posted by petiks 14:42 Archived in Philippines Comments (0)

missing my cosmic twin

sunny -17 °C

229_1_120715301419701.jpg

peechure chorva galing kay chin. salamat sa pagiging kapatid sa magkaibang ina. ilang beses na rin nating napatunayan na kahit bagyo pa susugurin natin para lang sa isa't isa. nakukuhang maging steady lang kahit minsan.. o kadalasan ang mundong naturingan nating bilog ay nagiging "flat". ilang bote na rin ang nainom, ilang sigarilyo na ang naupos at ilang luha na ang pumatak pero astig lang.. tuloy pa rin ang ikot ng mundo, ilang beses na tayong nadapa at nasugatan, ilang beses na natinik at nagalusan pero tuloy pa rin ang pagsugod. para sa 'yo ang kantang "TABI" ng Paraluman

Posted by petiks 08:45 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]