A Travellerspoint blog

February 2008

lumagay ka sa tamang lugar ng di ka masagasaan

mandy1.jpg
bakit ba madalas akong "ma-misinterpret" bilang mataray, rude, o kung anek anek pa.. madalas ganito ang impression sa kin. baka naman kasi totoong mataray, rude o kung anek anek pa ako. hmmmm.. ewan ko, basta alam ko hindi ako plastik!

eh sino ba naman kasi ang magaling na may sabi sa 'yo na pwede ka dyan? kulang na lang punuin ko ng stickynote yun area para ma-gets nila na pang-CSA lang yung chumenelyns na yun. MARUNONG BA KAYONG MAGBASA?! huhlehr??!! isa pa 'tong si Jaq, naturingang supervisor hindi rin marunong magbasa, o sadyang walang konsiderasyon!

hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi nila gets na pag ni-log off yung PC eh yung naka-archive na e-mails eh hindi pumapasok sa tamang folder... tendency is, magka-clog ang mailbox ko at magba-bounce na yung mga ibang e-mails. ako tuloy nalilintikan pag hindi ako nakaka-reply sa mga cross center payouts! beesheeeeeet!

haaaaaaaaaaaay.. hindi ko talaga kinaya na ikaw pa ang maangas at pagsabihan mo ko na rude ako. ako, rude?? foooot*ngna! baka gusto mong ipakita ko sa 'yo kung ano ang rude?! p*ksyeeet! ikaw na nga lang ang nakisuyo, ikaw pa ang mag-iinarte dyan! umayos ka nga! pasalamat na lang at mas nakaka-intindi ako at hindi kita pinatulan. ke-bago bago mo, bitchera ka na, umayos ka dahil sa susunod baka mabigwasan ka na. sabi nga ni Ava, ni hindi mo kilala kung sino ang kinakabog mo! lakas ng loob mo. tumabi ka kasi at wag kang pakalat-kalat.

Posted by petiks 09:03 Comments (0)

change.. change.. and a lot more change

para sa mga CSA, sa may puso at dugong CSA, sa mga feeling CSA :)

issues, issues at issues pa! issue pa rin hanggang ngayon?

.red jacket issue.
.acw issue.
.queues issue.
.payout issue.
.schedule adherance issue.
.incentives issue.
.metrics issue.
.at kung anek-anek pang issue.

puro reklamo, puro issue, eh ano bang ginagawa nyo?? hindi ba't may kasalanan din kayo kung bakit nagkaka-issue? tapos kung magsalita kayo akala nyo kayo ang nasa tama at kayo ang api?! eh naknang tokwa! ayusin nyo muna kaya trabaho nyo?? sa lagay kasi eh dinadaya nyo yung sistema. dinadaya nyo sarili nyo at mga team mates nyo pagkatapos pag naputukan kayo sa mga kamalian nyo nagagalit kayo! ako kaya yun?? hindi naman ako nagmamalinis o kung ano man, may mga kanya-kanya tayong diskarte sa pag-petiks pero wag naman sana kayong lantaran at barubalan na pati ibang tao ay naapektuhan na.

naiinis ako sa mga taong, kaya nilang lokohin ang sistema pati ang team mates nila eh... amf! magpapalog-in ka sa kung sino para hindi ka ma-late?? mag-aACW ka ng matagal para iba ang magtake ng calls na naka-queue? gagawa ka ng kung anong magic para umayos ang lucent results ng stats mo para hindi barubal ang AHT mo?? ano ba naman yun?! lekaaat eh pare-pareho lang tayong nagtatrabaho ah. oo nga't hindi na ako nakikipagtalo sa mga irate na pax na yan at hindi ko na nararanasan ang mga long hold time chorva.. pero lekaaaaaaaaat higit pa dyan ang naranasan ko nun, nung muntik na ma-dissolve ang team. umangal ba ko?? nagreklamo ba ko?? dinaya ko ba ang sistema??? hindee! dahil lekaaat sarili ko, sked ad ko, stats ko ang naging punching bag nun. kaya bwiseeeeet ang lahat ng madadaya at nandadamay ng iba!

umayos nga kayo!

  • *damn! i need to air this out... its killing me**

Posted by petiks 11:21 Archived in Philippines Comments (0)

...

heartHammer.jpg
I am at the brink of getting my heart broken into million pieces

Posted by petiks 09:43 Comments (0)

oras, panahon at pagkakataon...

hourglass.jpg
nagkukulang pa ba ako ng oras sa 'yo??

Posted by petiks 06:17 Comments (0)

i love you

para sa pinakamamahal ko

semi-overcast

z102134977.jpg

hindi naman siguro ako mumurahin ng buong mundo kung milyong beses kong sabihin at sa iba't ibang paraan ko aaminin kung gaano kita kamahal. mahal kita, walang kupas yun!

Posted by petiks 04:16 Archived in Philippines Comments (0)

hiyaw

para kay ensi (uleet)

ensitots2.jpg
kung maririnig mo lang
kung mabibilang mo lang
ang dami ng beses
na titibok
itong puso ko
sa isang buong araw
maaari na
manggilalas ka
at marahil
hindi ka makakapaniwala
kung ilan daang libong ulit nya
binabaybay nang pahiyaw
ang iyong pangalan.

Posted by petiks 07:30 Archived in Philippines Comments (0)

kung bakit ako paranoid

emptiness_..emencia.jpg
dahil natatakot na ako -
natatakot nang malumbay
natatakot na akong manlumo,
nakakapagod nang mamatay.

nakakapagtaka rin siguro
para namang hindi ako nasanay.
hindi naman ako dating ganito
ayoko na namang sumablay.

wala sa iyo ang problema
masyado lang akong mag-isip
masyado lang akong madrama
malikot ang isip at makulit.

dahil natatakot na ako –
siguro ay naduwag na.
kapag pumalpak pa ako dito
mababaliw na akong bigla…

Posted by petiks 07:01 Comments (0)

yosi

11.05.2007. (http://www.pinoyunderground.com/showthread.php?t=15571&page=20)

cigarette.jpg
kaya ko kayang hindi muna mahumaling sa iyo?
kaya ko kayang wala ka muna sa sistema ko?
kaya ko kayang pigilan at labanan ang pagkagiyang?
kaya ko kayang hindi patulan ang pagkahiyang?

kaya ko kayang kalimutan sumandali
ang kinang at akit ng iyong sindi?
kaya ko kayang hindi muna dumampi
sa iyong tamis ang halik ng aking mga labi?

kaya ko kayang umiwas sa iyong gayuma?
kaya kayang hindi maakit kapag ika'y nakikita?
kaya ko kayang pigilan ang damdamin?
na mahulog na naman sa iyong lalim at bangin?

Posted by petiks 06:57 Comments (0)

patay-sindi

heart_on_f..re_krow.jpg
patay-sindi
na para bang kidlat sa akin ay gumuguhit
at sa langit ang buhos ng ulan ay tumitindi

patay-sindi
itong sumpong sa utak kong pinipilit
na amuhin ay lumalaban at humihindi

patay-sindi
ang damdamin kong nanggagalaiti sa galit
sinasadyang saliwan at sabayan pa ng sakit

patay-sindi – hindi ko rin mawari kung bakit
mas nanaisin ko na lamang mamatay
ang lagablab ng puso kong pinapaso ako sa init

Posted by petiks 06:51 Comments (0)

palaban

-17 °C

hindi magigitla hanggang may hiwaga ang dapithapon
at hanggang may mga tala sa langit ay hindi sumusuko
sinasabi mo lang na nakakapagod
pero ang pagtantya'y di kailanman matatapos.

milyon na ang butil na iyong iniluha
di matatawaran sinuong na ulan
balot man ng agam-agam, di ihihinto ang pag-usad
kahit ano ang humarang, sige ka lang sa pagpiglas.

pang-ilan beses mo nang umasam?
mga nalibing na pangako sa iyo'y di mabilang
kung minsan, pinapatikim at pinasasabik lamang sa wala
bakit patuloy kang sumusuntok sa buwan?

kaya mo pa kaya?

Posted by petiks 06:31 Comments (0)

(Entries 1 - 10 of 14) Page [1] 2 » Next