panahon nanaman
11.22.08
...ng malalalim na buntong hininga at pagpatak ng mga luha,
panahon kung saan hindi mo maaninagan ang sikat ng araw,
ang mahika ni luna, at ningning ng mga tala sa kalawakan
panahon nanaman ng pagkalugmok sa gyera ng puso,
sa pakikibaka sa buhay. panahon na puno ng hinagpis
at sanlaksang lungkot sa daigdaig...
Posted by petiks 23:30 Archived in Philippines