isang liham, plingkanting kanting
at milyong milyong akap at paglalambing
7.7.08
alam ko, pakiwari mo'y aligaga ako sa napagusapan natin kahapon. batid naman natin na hindi pa natin nasisilip kung anong meron bukas para sa 'tin at para sa mundo. nasabi mo na hindi mo alam kung sa papaanong paraan mo mapapanatag ang malikot kong isip. alam kong nahihirapan ka, natatakot at nangangamba. hindi ko rin alam kung papaano ko mapapanatag ang kalooban mo.. paulit-ulit ko na lang sigurong sasabihin na hihintayin kita at ikaw lang mahal ko.. yun naman kasi ang totoo. alam ko mahirap, alam ko hindi madali.. subalit maghihintay pa rin ako sa 'yo. mahal kita walang kupas yun.
Posted by petiks 13:08 Archived in Philippines