para kay chin at sa pagiging praning
6.2.08
ako ang tulang hindi mo mabasa
hitik sa malabong tema at mga letra.
ako ay itong melodramatikong kanta
umuulit na mga titik ng isang sirang-plaka.
ako ang palasyong binuo sa may aplaya
bumabalik sa alon sa pagkurap ng iyong mata.
ako ay isang maningning na tala
pukulin ng hiling ang aking dambana.
ako ang daang liko-liko't may babala:
maging-handa't mag-ingat sa hindi pa nakita.
ako ang ulan sa iyong parada
sumasaliw sa pagbuhos ng iyong pag-asa.
ako ang hindi-mapirming biyahera
hinahon ang hanap nitong pagal kong mga paa.
ako ang pag-ibig sa iyong haraya
nang-aagaw ng bait, sumisira ng diwa.
**balang araw, darating din ang panahon na magiging mahinahon lang ang panahon, mawawala na ang panay na pag-ambon. isang araw... balang araw...***
Posted by petiks 14:23 Archived in Philippines
cool...
by maharot