walang namamatay sa ambon
5.1.08
sinusubok nang sukatin
kung hanggang saan uubra;
nag-uumpisa nang tantyahin
kung gaano ang makakaya.
mahaba pa ang pisi
na di basta mapipigtas
nangangamba bang malaglag?
sige, lipad. may sasalo sa paglagapak.
minsan binubulag ng dahilan,
di masundan kanya-kanyang sayaw.
marahil may kababawan ang lamlam
o baka nalulunod sa lalim ng inilulutang.
palibhasa'y magkaiba ang tabas ng mga utak
ngunit di ba't doon mas matututong mainam?
magmasid. makiramdam.
sirko ng mundo'y sabay pag-aralan.
hindi patak lang ang aapula
sa mga pusong nagliliyab ang ningas.
halika, bituin ay marahang humahanay,
kumapit ka lang sa bawat paghakbang.
- it is not always easy but it has been worthwhile.
Posted by petiks 07:13 Archived in Philippines